Saturday, 14 September 2024

Pagsasalin ng Dugo Ipinagbawal ba ng mga Apostol?


 

Pagsasalin ng Dugo Ipinagbawal ba ng mga Apostol?    

      ANG isa sa aral na totoong kakaiba sa lahat ng nagpapakilalang Cristiano sa panahon natin ngayon ay ang aral ng mga nagpapakilalang MGA SAKSI NI JEHOVAH, tungkol sa PAGBABAWAL NG PAGSASALIN NG DUGO o BLOOD TRANSFUSION. At natural hindi naman sila makapanghihikayat ng tao tungkol sa aral nilang ito kung wala silang ipinapakitang talata na bilang batayan. At ito nga ay ang nakasaulat sa GAWA 15:29 na ganito ang ating mababasang nakasulat:

 

Gawa 15:29  “Na KAYO'Y MAGSIILAG sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at SA DUGO, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; KUNG KAYO'Y MANGILAG SA MGA BAGAY NA ITO, AY IKABUBUTI NINYO. Paalam na sa inyo.” 

 

Kung ating tatanungin sa kanila na kung itinuro ba ng mga Apostol ang pagbabawal ng PAGSASALIN NG DUGO, ang kanilang isasagot sa atin ay matunog na Oo, dahil kung titingnan daw sa pananalita ng mga Apostol sa talatang iyan na:

 

“KAYO'Y MAGSIILAG…SA DUGO”

Maliwanag daw na kasama ang PAGSASALIN NG DUGO sa ipinagbabawal, papaano ka daw makakaailag sa Dugo kung ito ay isasalin sa iyo? Kaya maliwanag anila na ito ay ipinagbawal ng mga Apostol.

 

Isa lang po ang maliwanag diyan, sila lang ang nagsasabi nun, kasi wala naman pong mababasa sa talata na bawal magpasalin ng dugo eh, kundi ito ay bunga lamang ng kanilang INTERPRETASYON o PAGPAPAKAHULUGAN sa sinasabi ng mga Apostol sa nasabing verse.

 

Kung ating sasakyan ang argumento nila, kung tutuusin paano ka makakailag sa dugo, kung ang loob ng katawan mo mismo ay may dugo? Kung talagang nais nating sundin sa paraan ng pagunawa ng mga SAKSI NI JEHOVA sa talatang iyan, aba’y kailangang maging ang dugo natin sa loob ng ating katawan ay ipaalis natin, kasi papaano masasabi na tayo ay tuluyang nakaiwas o nakailag sa dugo kung ang mismong katawan natin ay mayroon nito, hindi po ba? Pero siyempre ang sasabihin nila diyan ay ang kanilang paborito at palaging sinasabi: “Common Sense lang iyon”.

 

Bakit po ba kailangan nating matiyak kung ang isang aral ay talagang aral na itinuro ng mga Apostol?

 

Narito po ang sagot sa atin ng mga Apostol mismo:

Galacia 1:8-9  “DATAPUWA'T KAHIMA'T KAMI, o ISANG ANGHEL na mula sa langit, ANG MANGARAL SA INYO NG ANOMANG EVANGELIO NA IBA SA AMING IPINANGANGARAL SA INYO, AY MATAKUWIL.  Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, KUNG ANG SINOMAN AY MANGARAL SA INYO NG ANOMANG EVANGELIO NA IBA KAY SA INYONG TINANGGAP NA, AY MATAKUWIL.” 

 

Maliwanag po kasing sinabi ng mga Apostol na kung mayroong magtuturo ng Aral o Eavanghelio na iba sa kanilang naipangaral na o naituro na noon, kahit na sila pa mismo iyon o isang Anghel mula sa langit ang magturo ng ARAL na naiiba o hindi katulad ng kanilang ARAL noon, ang KATURUAN o ARAL na iyon ay dapat po nating ITAKUWIL.

 

Kaya atin pong pag-aralan, batay sa Biblia at Kasaysayan, kung totoo po bang IPINAGBAWAL ng mga Apostol ang PAGSASALIN NG DUGO?

 

Kung mapatunayan po natin na ito ay talagang ipinagbawal nila, dapat po natin itong tanggapin, sampalatayanan at sundin, subalit kung ang kalalabasan ng ating pag-aaral ay hindi po ito ipinagbawal ng mga Apostol, gaya po ng utos nila dapat po natin itong ITAKUWIL.

 

Patotoo ng Biblia

Ano po ba ang aral ng Diyos na hindi dapat gawin sa Dugo? 

 

Levitico 17:10  “At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na KUMAIN NG ANOMANG DUGO, ay AKING ITITITIG ANG AKING MUKHA LABAN SA TAONG YAON NA KUMAIN NG DUGO, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan.” 

 

Maliwanag po na mayroong ipinagbabawal ang Diyos na hindi dapat gawin sa Dugo, ipinagbabawal po niya na ito ay KAININ ng tao.

 

Kung ang Diyos ang ating tatanungin, kung hindi dapat tayong kumain ng Dugo, papaano po tayo makakaiwas o makakaailag sa Dugo?

 

Sasagutin tayong muli ng Diyos:

 

Levitico 17:13  “At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na MANGHULI NG HAYOP O NG IBON NA MAKAKAIN; AY IBUBUHOS NIYA ANG DUGO NIYAON AT TATABUNAN NG LUPA.” 

 

Malinaw na naibigay ng Diyos ang instruction kung papaano makakaiwas at makakailag ang tao sa pagkain ng Dugo, sinabi  niyang kung manghuhuli ng hayop o ibon ang kailangang gawin ay:

 

“IBUBUHOS NIYA ANG DUGO NIYAON AT TATABUNAN NG LUPA”

 

Ito ang kaparaanang itinuro ng Diyos para ang tao ay maiwasang makakain ng Dugo, kailangan niyang patuluin ang Dugo sa Lupa, at tabunan ng Lupa. At iyan po ang aming sinusunod na mga IGLESIA NI CRISTO.

 

Isa pong nagdudumilat na katotohanan na malaon nang panahon na nailatag at nailagda ng Diyos ang batas niya tungkol sa PAGBABAWAL NG PAGKAIN NG DUGO.

 

Kaya imposible po na ibahin ng mga Apostol ang batas na ito ng Diyos na dati nang umiiral, kaya nga may mga nagsipagsalin ng Biblia na ganito isinalin ang GAWA 15:29 para mabigyan ng linaw ang tunay na kahulugan ng talata:

 

Gawa 15:29 “HUWAG KAYONG KAKAIN ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, NG DUGO at hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan at mapapabuti kayo. Paalam” [Magandang Balita, Biblia]

 

Kasi nga bawal kanin ang mga pagkaing inihandog sa diyus-diyosan at maging iyong hayop na binigti (oh iyong mga hayop na namatay ng hindi naalisan ng dugo, mga namatay sa lunod, o namatay sa sakit gaya ng kilala ngayon sa tawag na BOTCHA.), katulad din ng dugo na BAWAL ding KAININ.

 

At ganito rin ang nakalagay sa Gawa 15:20 ng Bibliang iyan:

 

Gawa 15:20 “Sa halip, sulatan natin sila at sabihang huwag kumain ng anomang inihandog sa diyus-diyosan, huwag makikiapid, huwag kakain ng hayop na binigti, at HUWAG KAKAIN NG DUGO.”[MBB]

 

Kaya maliwanag batay sa Biblia, na hindi ipinagbawal ng mga Apostol ang PAGSASALIN NG DUGO, ang kanila lamang ipinatupad ay ang dati nang utos ng Diyos na HUWAG KAKAIN NG DUGO. Wala silang binago o idinagdag na utos. Hindi gawain ng mga Apostol kailan man na mag-imbento ng bagong kautusan o aral pagkatapos ay ipatutupad sa tao.

Maliwanag na kung Biblia pagbabatayan, hindi ipinagbawal ng mga Apostol ang PAGSASALIN NG DUGO.

 

Patotoo ng Kasaysayan

Dumako naman po tayo sa PATOTOO ng KASAYSAYAN, posible po bang maipagbawal ng mga Apostol ang pagsasalin ng Dugo kung HISTORY ang ating paguusapan?

 

Kailan lamang po ba natuklasan ng tao na posible ang pagsasalin ng Dugo?

 

1628 – “British physician William Harvey DISCOVERS THE CIRCULATION OF BLOOD. The FIRST KNOWN BLOOD TRANSFUSION IS ATTEMPTED SOON AFTERWARD.[http://www.redcrossblood.org/learn-about-blood/history-blood-transfusion]

 

At kailan naman po unang naging matagumpay ang pagsasalin ng Dugo sa tao?

 

1818 – “British obstetrician James Blundell performs the FIRST SUCCESSFUL TRANSFUSION OF HUMAN BLOOD TO A PATIENT for the treatment of POSTPARTUM HEMORRHAGE.[http://www.redcrossblood.org/learn-about-blood/history-blood-transfusion]

 

Noon lamang pong taong 1628 (17th Century) natuklasan ng tao na posible ang PAGSASALIN NG DUGO at matagumpay itong naisagawa sa isang tao noong 1818 (19th Century) bilang lunas sa sakit na Postpartum Hemorrhage.

 

Kailan po ba nagpulong sa Jerusalem ang mga Apostol at naganap ang pangyayari sa Kapitulo 15 ng Aklat ng Mga Gawa?

 

“The COUNCIL OF JERUSALEM is generally dated to around the year 50 AD, roughly twenty years after the crucifixion of Jesus, which is dated between 26 and 36 AD. ACTS 15 and GALATIANS 2 both suggest that the meeting was called to debate whether or not male Gentiles who were converting to become followers of Jesus were required to become circumcised (presumably in accord with Genesis 17:14, a law from God which, according to Genesis 17:13-19, God said would be everlasting). However, circumcision was considered repulsive during the period of Hellenization of the Eastern Mediterranean.” [http://en.wikipedia.org/wiki/Council_of_Jerusalem]

 

Ang pagpupulong na ito sa Jerusalem na tinatawag sa English na Council of Jerusalem ay tinatayang naganap noong 50 A.D. Ito ay isinagawa ng mga Apostol upang lutasin ang bumabangong suliranin ng a pagitan ng mga Cristiano na kabilang sa mga lahing Judio at mga Gentil, mababasa ang buong detalye sa Kapitulo 15 ng aklat ng Mga Gawa.

 

Kaya kung ating titingnan ang mga petsa batay sa History:

 

50A.D. – Nagpulong sa Jerusalem ang mga Cristiano at ang naging pasiya ay ang sinabi sa Gawa 15:29.

 

1628A.D. – Noon lamang natuklasan na posible ang Pagsasalin ng Dugo.

 

1818A.D. – Noon lamang nasubukan at naging matagumpay ang Pagsasalin ng Dugo sa tao.

 

Maliwanag po na 1578 years nang patay ang mga Apostol bago natuklasan ang proseso ng pagsasalin ng Dugo, at 1532 years na ring tapos ang Buong Biblia noong 96A.D.

 

KAYA PAPAANO NILA NASASABI SA TAO KAPAG SILA’Y NANGANGARAL NA ARAL NG MGA APOSTOL ANG PAGBABAWAL NG PAGSASALIN NG DUGO?

 

Sa BIBLIA wala silang mapagbabatayan, sa HISTORY ay ganun din.

 

Kaya nga ang mabibiktima ng ganitong klaseng pandaraya ay ang mga taong walang malay at mga kulang sa pagsusuri.

 

Pero magpapalusot at sasabihin sa atin:

 

“KUNG UUNAWAIN ANG SINABI NG MGA APOSTOL NA ““KAYO'Y MAGSIILAG SA DUGO”, paano ka nga makakailag sa Dugo kung MAGPAPASALIN KA NG DUGO? Gamitan ninyo ng isip…”

 

Iyan ang kanilang ipagpipilitan sa atin.,.GAMITAN NATIN NG SARILI NATING ISIP AT UNAWA…

 

Hindi mabigat na Utos

 

Pagbigyan natin ang mga SAKSI NI JEHOVAkung makakapasa ba ang kanilang pangangatuwiran na KUNG UUNAWAIN ang TALATA sa Gawa 15:29 ay maaari nating matanggap na tumutukoy din ito sa PAGBABAWAL NG PAGSASALIN NG DUGO.

 

Una nating tanong ay ito:  Ano bang klaseng utos ang sinabi ng mga Apostol sa Gawa 15:29? Ito ba’y MAGAAN o MABIGAT na utos?

 

Atin pong basahin ang VERSE 28 pagkatapos ay ituloy natin sa 29, ito ang madalas nilang nilalaktawan at hindi binabasa kapag ginagamit ang talatang ito:

 

Gawa 15:28  “SAPAGKA'T MINAGALING NG ESPIRITU SANTO, AT NAMIN, NA HUWAG KAYONG ATANGAN NG LALONG MABIGAT NA PASANIN maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:”

 

Gawa 15:29  “Na KAYO'Y MAGSIILAG sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at SA DUGO, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; KUNG KAYO'Y MANGILAG SA MGA BAGAY NA ITO, AY IKABUBUTI NINYO. Paalam na sa inyo.” 

 

Maliwanag ang banggit ni Apostol Santiago na nagsasalita rito:

“SAPAGKA'T MINAGALING NG ESPIRITU SANTO, AT NAMIN, NA HUWAG KAYONG ATANGAN NG LALONG MABIGAT NA PASANIN”

 

Samakatuwid HINDI LALONG MABIGAT NA PASANIN ang ibinigay na ito ng mga Apostol na kautusan sa mga Gentil na nagnanais maging mga Cristiano – ISA PO ITONG MAGAANG PASANINisang TUNTUNIN na hindi NAPAKABIGAT kundi MAGAAN.

 

At dahil sa MAGAAN ito, ano ang naging damdamin ng mga Gentil nang maipaabot na sa kanila ang SULAT na naglalaman ng naging Pasiya ng mga Apostol sa Gawa 15:29?

 

Ibababa lang natin ang basa sa VERSE 30 hanggang 31:

Gawa 15:30-31  “Kaya nga, nang sila'y mapayaon na, ay nagsilusong sa Antioquia; at NANG MATIPON NA NILA ANG KARAMIHAN, AY KANILANG IBINIGAY ANG SULAT. AT NANG ITO'Y KANILANG MABASA NA, AY NANGAGALAK DAHIL SA PAGKAALIW.

 

Napakaliwanag na NANGAGALAK sila dahil sa PAGKAALIW. Ang kautusang ito na napagkaisahang ipatupad ng mga Apostol sa mga Gentil ang idinulot sa kanila ay KAGALAKAN at KAALIWAN…Bakit? Kasi HINDI ITO MAHIRAP NA UTOS kaya ganun ang kanilang naging damdamin.

 

Kaya kung babalikan natin ang MGA SAKSI NI JEHOVA at tatanungin natin sila:

 

ANG PAGBABAWAL BA NG PAGSASALIN NG DUGO AY MABIGAT o MAGAANG UTOS?

MAKAKADAMA KAYA NG KAGALAKAN AT KAALIWAN ANG MIYEMBRO NILA NA BINABAWALANG MAGPASALIN NG DUGO?

 

Lalo na sa pagkakataong ito? Basahin ang halimbawang ito:

May mag-asawa na mayroong kaisa-isang Anak na may 10 taong gulang, dahil hindi na magkakanak iyong Babae dahil naoperahan na sa Matres. Ang bata ay nagkasakit ng DENGUE, at nang dalhin saPAGAMUTAN ay sinabi ng Doktor na ang tangi lang makapagliligtas sa Buhay ng Bata ay ang MASALINAN siya ng DUGO. 

 

Subalit nang dumalaw ang mga kapatid niya sa SAKSI NI JEHOVA sa Ospital, at sinabi ng mga Magulang ng bata ang problema niya, ay sinabihan siya na kahit na ano mangyari huwag siyang papayag na MASALINAN ng DUGO ang BATA kundi matitiwalag sila.

 

Sa palagay ninyo sa tagpong iyan, ano ang magiging damdamin ng isang MAGULANG na MAWAWALAN ng KAISA-ISANG ANAK dahil sa pagsunod sa Utos ng kaniyang Relihiyon?

 

Masasabi ba niya sa atin na MAGAAN lang ang UTOS na ito?

 

Magagalak ba siya at Maaaliw sa sitwasyong iyan gaya ng mga Gentil noon?

Magulang na nasa bingit ng kamatayan ang kaisa-isang anak, na kahit ang kaniyang sariling buhay ay handang ibigay para lang maduktungan ng buhay ng kaniyang anak, ay binabawalan ng kaniyang relihiyon na masalinan ng Dugo ang kaniyang anak para mabuhay.

 

Isang taong nasisiraan na lamang ng bait siguro marahil ang magsasabi na MAGAAN ang UTOS na iyan at siya ay MAGAGALAK at MAAALIW pa sa kabila ng situwasyon na iyan na kahapis-hapis.

 

Maliwanag po nating napatunayan, na ang PAGBABAWAL NG PAGSASALIN ng DUGO ay hindi suportado ng BIBLIA maging ng KASAYSAYAN.

 

Ang ginawa ng mga SAKSI ni JEHOVA ay PINABIGAT ang MAGAAN NA UTOS na ito ng mga APOSTOL, 

 

INATANGAN NILA NG LALONG MABIGAT NA PASANIN ANG KANILANG MGA KAANIB.

 

Kaya maliwanag na ang kanilang ginamit sa pagbibigay kahulugan sa GAWA 15:29 ay ang BALUKTOT NILANG UNAWA AT PAGIISIP.

 

At hindi kailan man matatawag na TUNAY NA RELIHIYON ang isang samahan na may aral na NAKAPAPATAY sa kaniyang mga KAANIB. Hindi sa Diyos ang ganiyan.

 

Juan 10:11  “Ako ang mabuting pastor: IBINIBIGAY NG MABUTING PASTOR ANG KANIYANG BUHAY DAHIL SA MGA TUPA.” 

 

Ang tunay na mangangaral o relihiyong sa Diyos ay handang magbuwis ng kaniyang buhay para sa mga TUPA o mga kaanib. Hindi gagawa ng isang batas na hindi naman utos ng Diyos na ang ibubunga ay MAGKAKAMATAY ang mga TUPA o ang mga KAANIB.

 

Maliwanag na di iyan aral ng mga APOSTOL kaya amin po iyang ITINAKUWIL.

Narito ang ilang Video na may kinalaman sa PAGBABAWAL ng PAGSASALIN ng DUGO na ipinatutupad sa JW: 

Dito makikita ang damdamin ng mga MAGULANG NA MAMAMATAYAN NG ANAK dahil sa PAGBABAWAL NA MASALINAN ng DUGO ng JW, at makikita ninyo na SILA AY LUNGKOT NA LUNGKOT at SOBRANG NABIBIGATAN sa UTOS na ito na gawa gawa lamang ng WATCHTOWER SOCIETY:

No comments:

Post a Comment

BILANG PAGTATANGGOL KAY KA FELIX Y. MANALO UKOL SA DIUMANO AY KASONG RAPE KAY ROSITA TRILLANES

Ako po si  Dave Lawrence Michaels , isang propesor ng kasaysayan. Noong ako ay dumadalo sa mga  Bible Study  para sa mga naghahanda sa bauti...