Malaki ang pagkakaiba ni Cristo sa tunay na Diyos, at hindi Siya ang tunay na Diyos na ipinakikilala ng Biblia. Patutunayan natin iyan. Hindi si Cristo ang tunay na Diyoskundi Siya ang Anak ng Diyos na naparito upang ipakilala ang totoo …I JUAN 5:20
“20At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo’y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sakaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.
Nota: Maliwanag ang sinsabi ng Biblia na ang naparito ay ang anak ng Dios at hindi angDios na may anak.
Bakit maling sabihin na si Cristo ang tunay na Dios? Sino nga ba ang tunay na Diyos naipinakilala ni Cristo ayon din kay Apostol Juan?
1. Ang Ama ang iisang Diyos na tunay JUAN 17:1 at 3 MB
“1Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, siya’y tumingala sa langit at angwika, “Ama, …3Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila ang iisa at tunay naDiyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo.”
Nota:Kaya, kailanman ay hindi ituturo ni Cristo at ng mga apostol na si Cristo angtunay na Diyos, sapagkat sasalungat ito sa itinuro ni Cristo na ang Ama ang iisangDiyos na tunay. Ang turo na ang Ama ang iisang tunay na Diyos ang siyang aral nakatotohanan.
Ayon mismo kay Apostol Juan , sino ang Dios na may anak na ang pangalan ngKaniyang anak ay JesuCristo?
2. Ang Ama ang may anak …………………….…………………..II JUAN 1: 3
“3Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kayJesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.”
Nota: Si Cristo ay anak at hindi siya ang Ama.
Arg. Maliwanag daw na ang nearest antecedent sa Ingles man o sa saling Griego ay angpangalan ng ating Panginoong JesuCristo kaya Siya ang tinutukoy na tunay na Dios.
3. Hindi aplikable sa lahat ng pagkakataon ang sinasabi nilang nearest
antecedent sapagkat lilitaw na si Cristo rin ang antecedent………..II JUAN 1:7
“7Sapagka’t maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwiday ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito angmagdaraya at ang anticristo.
Nota: Kung susundan ang kanilang argumento na como ang pangalang Cristo angpinakamalapit sa mga pangungusap na ‘ Ito ang tunay na Dios at buhay na WalangHanggan’, eh di lilitaw na si Cristo rin ang AntiCristo.
Ayon na rin sa mga nagsisipagsuri sa talatang ito( I Juan 5:20),alin ang sinasang-ayunanng maraming scholar ng Biblia na antecedent o tinututukoy ng mga salitang ‘Ito ang tunayna Dios at buhay na walang hanggan’?
4. Maraming scholar ang nagsabi na ang Dios ay ang antecedent…..
Greek Grammar Beyond the Basics Page 326 By: Daniel B. Wallace 1996 Edition.
“I John 5:20 οΰτός έστιν ό άληθινός θєός καί ζωή αίώνιος
this is true God and eternal life
This text is exegetically problematic for a variety of reasons. What concerns us here iswhat the antecedent is. Many scholars see ό θεός rather than Xριστός as the antecedent, even though Xριστός is closer. Winer argues, for example, that “in the first place, άληθινός θεός is a constant and exclusive epithet of the Father; and, secondly, there follows a warning against idolatry, and άληθινός θεός is always contrasted with είδωλα.”
Nota: Ayon sa aklat na ito ang I Juan 5:20 ay ‘ problematic’ at ang isa sa mga problema tungkol sa talatang ito ay ang ‘antecedent’ o kung kanino tumutukoy ang mga salitang ‘Ito ang Tunay na Dios at buhay na Walang Hanggan.’ Pero sinabi sa aklat na ito na ang maraming mga scholar ng Biblia ay nagsasabi na ang ho theos o ang Dios at hindi si Cristo ang antecedent bagamat pinakamalapit ang pangalang Cristo sapagkat ayon na rin sa kanila ang ALITHINOS THEOS ( true God) ay exclusivong tawag sa Ama.
Alin pang aklat ang ating maipakikita na ang ‘antecedent’ sa mga pangungusap na ‘ Itoang tunay na Dios at buhay na Walang hanggan’ ay tumutukoy sa Dios at hindi kayCristo?
5. Pinatutunayan na ang (isang) totoo ay ang Diyos.
Si Cristo ay ang Kaniyang Anak
THE JOHANNINE EPISTLES, by William Loader, p. 79
“3. 5.20-21 Knowing the true God; avoiding idolatry. The Greek of 5.20 has only the true (one) and reads literally; we know that the Son of God has come and has given us understanding ‘so that we know the true (one) and we are in the true (one)’, in his Son Jesus Christ. ‘This (one) is the true God and eternal life.’ It is clear from this that ‘the true (one)’ is God throughout. Christ is his Son. In the final sentence this (one) most naturallyrefers still to God, not to Christ, as some have suggested…”
Sa Pilipino:
“3. (I Juan) 5:20-21. Pagkilala sa tunay na Diyos; pag-iwas sa idolatriya. Sa (manuskritong) Griyego ng 5.20 ay nakalagay lamang ang (isang) totoo at literal namababasang: nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binigyan ngpagkaunawa, ‘upang ating makilala siya na (isang) totoo, at tayo’y nasa kaniya na (isang) totoo,’ sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. ‘Ito ang (isang) tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.’ Malinaw dito na [sa buong sipi], ang (isang) totoo ay angDiyos. Si Cristo ay ang Kaniyang Anak. Sa huling pangungusap, ang (isang) ito ay natural lamang na tumutukoy pa rin sa Diyos, hindi kay Cristo, gaya ng iminumungkahi ng iba...”
Nota: Maliwanag na sinasabi rito na ang ‘ Ang totoo ‘ na tinutukoy rito ay ang Dios at hindi si Cristo kaya ang sabi nila , ang final statement na ‘ this is the true God and eternal life ay tumutukoy sa Dios na may anak at hindi si Cristo.
Arg, Baka ang naglalaro ngayon sa isipan ng ating mga tagasubaybay ay kung papaanomalaman kung tama ang pagkanunawa natin sa talatang ito gayong problematic palakung sino ang antecendent ng mga panngungusap na ‘ ito ang tunay na Dios at buhay nawalang hanggan’ Paano natin malalaman kung alin ang tamang pagkanunawa sa talata?
6. Iniwawanganis ang mga pahayag ………………………….I CORINTO 2:13
“13Na ang mga bagay na ito ay atin naman sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ngkarunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay naayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.
Nota: Kaya hindi natin maiiwasan na paghambingin ang mga pahayag na ito sa I Juan 5:20 at sa ibang mga talata ng Biblia.
Sino yong totoo na ipinakilala ng ating Panginoong JesuCristo?
7. Ang Dios na may anak ang Siyang totoo o tunay……....I JUAN 5:20 Today’s English Version
‘ We know that the Son of God has come and has given us understanding to know the true God. We live in union with the true God – in union with his Son Jesus Christ. This is the true God, and this is eternal life.’
Nota: Ang isa sa mga misyon ni Cristo ay ang ipakilala ang tunay na Dios.Ang tunay naDios ay yaong may anak at hindi ang anak kaya ang sabi sa talata ‘ with his Son Jesus Christ’. Kanino tumutukoy ang terminong son o anak? Di ba si Cristo? Sino naman ang tinutukoy ng pronoun na ‘ his’?Kay Cristo pa rin ba? Tiyak na hindi.
Ayon sa Biblia, iba pa ba ang tunay na Diyos sa langit sa tunay na Diyos sa lupa?
8. Ang Diyos sa langit at siya ring Diyos
sa lupa, wala nang iba pa DEUTERONOMIO 4: 39
“Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyangDios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.”
Nota:Hindi tunay na Diyos ang kinikilala ng iba, sapagkat iba kaysa sa ipinakikilalang Biblia.

No comments:
Post a Comment